Kapalaran ng libreng sakay sa MRT-3 nakasalalay na sa susunod na administrasyon ayon kay MRT General Manager Capati

32

Nakaabang ang publiko maging ang mga taga Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) kung mapapalawig pa ang libreng sakay ng MRT-3.

Kung maalala hanggang June 30 na lamang ang libreng sakay at wala pang abiso sa pamunuan kung ito ba ay ma-extend ulit.

Ayon kay General Manager Engr. Michael Capati nakasalalay na sa susunod na administrasyon kung magkakaroon pa ba ng libreng sakay sa MRT.


Nakakataba aniya ng puso kapag naririnig nila ang reaction ng pasahero na malaki ang natitipid dahil sa libreng sakay at naidadagdag ang pera pambili ng pagkain tulad ng bigas at ito ay may magandang epekto sa ekonomiya ng bansa.

3 beses na nagkaroon ng libreng sakay ngayong taon.

Nagsimula ito noong March hanggang April na-extend hanggang May at muling na-extend ulit hanggang June 2022.



Facebook Comments