Malaking halaga ng salapi, muling nakapasok sa NAIA kagabi

Nasa 500,000 US dollars o katumbas ng mahigit 25-million pesos ang muli na namang naipasok sa bansa kagabi na dumaan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1.

Ito ang ini-anunsyo ngayon ni Blue Ribbon Committee Chairman Senator Richard Gordon.
Sabi ni Gordon, nasaksihan mismo ng kanyang source ang pagdeklara at pagbibilang sa nabanggit na salapi na bitbit ng isang Singaporean.

Diin ni Gordon, ang nabanggit na salapi ay posibleng gagamitin din sa money laundering activities katulad sa bilyun-bilyong pisong naipasok sa bansa simula noong 2019.


Dahil dito ay tiniyak ni Gordon na ipagpapatuloy ng kanyang komite ang imbistigasyon ukol sa nangyayaring money laundering activities sa bansa na konektado sa Philippine Offshore Gaming Operators o POGO.

Facebook Comments