Nagtatanong dahil naguguluhan ngayon ang mga residente ng Zone 3, Barangay Abo sa bayan ng Tigaon, Camarines Sur tungkol sa ginagawang malaking paghuhukay.
Ayon sa impormasyon, ang nasabing paghuhukay ay patungkol umano sa pagsisikap na makakuha ng tubig inumin para sa mga residente. Subalit nagtataka ngayon ang mga residente dahil sa hindi na pangkaraniwan ang laki at lapad ng ginagawang paghuhukay.
Ayon sa report ni Kasamang Audie Concina – DZRP, sa kanyang social media post, may haka-haka ang mga residente na hindi tubig ang pakay ng nasabing proyekto. Duda ang ilang mga residente na “treasure hunting” ang dahilan kung bakit may ginagawang paghuhukasy sa nasabing lugar.
Dahil sa hindi malinaw sa publiko ang layunin ng paghuhukay na ito, pumasok na rin sa eksena ang DENR-MGB para imbestigahan ang nasabing gawain.
Ayon pa sa isang netizen, may kaparehas din na gawain noon sa Zone 2, Brgy. San Antonio, Tigaon. Tapos na umano ang nasabing proyekto subalit hindi naman nadugtungan ang tubo para makarating sa mga residente ang tubig sa nasabing hukay.
Photos from post of Audie Concina of DZRP
Malaking Hukay sa Tigaon, CamSur, Para sa Tubig Inumin…o "Treasure Hunting???"
Facebook Comments