MALAKING INSULTO! | VP Leni Robredo, bumwelta kay PRRD matapos sabihin ‘hotbed’ ng shabu ang Naga City

149

Manila, Philippines – Bumwelta si Vice President Leni Robredo sa sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na dating ‘hotbed’ ng shabu ang Naga City.

Ayon kay Robredo – malaking insulto ito lalo na sa mga dati at kasalukuyang lokal na opisyal na nagtrabaho at naghirap para mai-angat ang syudad.

Iginiit ng Pangalawang Pangulo – walang basehan ang pahayag ni Pangulong Duterte.

Apela ni VP Leni – siya na lang ang siraan ng Pangulong Duterte at huwag nang mangdamay ng iba.

Samantala, nagpasa ang Naga City council ng resolusyon na kumokondena sa pahayag ng Pangulo.

Una nang inihayag ni Naga City Mayor John Bongat na kukumpirmahin nila ang sinabi ng Pangulo.

Facebook Comments