MANILA – Malaking kilos-protesta at pambansang walk-out ng mga estudyante ang ikinasa ng League of Filipino Students bilang paggunita sa 44thAnniversary ng deklarasyon ng Martial Law.Sa interview ng RMN kay LFS National Spokesperson Mr. JP Rosas, ipinaliwanag niya na kaninang alas-10:00 ng umaga nagsimula ang protesta sa Mendiola habang alas-11:30 naman ay sabay-sabay na nag-walk-out ang ilang estudyante at nagkita-kita sa España.Aniya, sa pagtatapos ng programa, magsisindi sila ng kandila bilang pagkondena sa laganap na Extra-Judicial Killings sa bansa mula pa noong panahon ng Martial Law.Samantala… Una nang nanawagan ang Malakanyang na huwag hayaang makapagdulot ng trapiko at abala sa publiko ang mga ikakasang protesta ngayong araw.Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, okay lang sa palasyo ang mga protesta basta tiyakin lang na ito ay payapa.
Malaking Kilos-Protesta At Pambansang Walk-Out, Ikinasa Sa 44Th Anniversary Ng Martial Law
Facebook Comments