Mayor Alice Guo, marapat lang suspendehin habang iniimbestigahan

Buo ang suporta ni Assistant Majority Leader at Zambales 1st District Rep. Jay Khonghun sa rekomendasyon ng Department of the Interior and Local Government na suspendehin si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo habang iniimbestigahan.

Diin ni Khonghun, nakababahala ang nabubunyag na mga impormasyon kaugnay sa pagkatao ni Mayor Guo lalo na ang umano’y pagkasasangkot nito sa mga ilegal na aktibidad sa kanyang lugar.

ikinaalarma rin ni Khonghun ang kabiguan ni Guo na maging bukas sa publiko na nakakaapekto sa kanyang integridad bilang isang public official.


Giit ni Khonghun, ang pagseserbisyo sa publiko ay may kaakibat na malaking responsiblidad kaya dapat matiyak na ang ating mga public official ay karapat-dapat sa tiwala ng taumbayan.

Bunsod nito ay ipinaalala ni Khonghun na hindi dapat konsintehin ang kasinungalingan at hindi nararapat na asal o gawain sa ating gobyerno.

Facebook Comments