MALAKING PERWISYO | Konstruksyon ng Concordia Bridge, sanhi ng matinding traffic sa ilang kalsada sa Maynila

Manila, Philippines – Malaking perwisyo umano ang idinudulot sa mga motorista ng kontruksyon ng quirino bridge na kilala rin sa tawag na Concordia Bridge sa Plaza Dilao, Paco, Maynila.

Madaling araw pa lang daw kasi, sobrang bagal na ng daloy ng trapiko sa lugar.

May mga bahagi rin ng quirino avenue na isang linya na lang ang pinadaraanan sa mga sasakyan na nagdudulot ng domino effect sa Pandacan at Paco area.


Sinasabing tatagal hanggang Setyembre 2018 ang pagsasaayos sa lumang tulay.

Kahit may mga mmda enforcer na nagmamando sa trapiko, abiso nila sa mga motorista iwasan na lang ding dumaan sa lugar para hindi na maabala.

Facebook Comments