SAWI | Drug suspect, patay sa ikinasang buy-bust operation sa Noveleta, Cavite

Cavite – Patay ang isang drug suspect matapos na mauwi sa shootout ang ikinasa nilang buy-bust operation sa Noveleta, Cavite.

Kinilala ang suspek na si alyas ‘Natoy’.

Nakahalata umano si natoy na pulis ang kanyang ka-transaksyon kaya bigla siyang bumunot ng baril at pinaputukan ang mga pulis.


Isang pulis ang nasugatan matapos tamaan ng bala sa binti.

Narekober sa suspek ang isang sachet ng shabu at P300 cash money.

Facebook Comments