Malaking porsyento ng COVID-19 cases sa bansa, pawang mga asymptomatic – DOH

Tinatayang 98 porsyento ng kaso ng COVID-19 sa bansa ay pawang mga asymptomatic o mayroon lamang mild at moderate symptoms.

Ayon kay Health Undersecretary Leopoldo Vega, nasa 1.86 percent naman ang mga severe at critical COVID cases.

Aniya, umabot na sa 73% o 1,245 kama ng Intensive Care Unit (ICU) ang okupado sa Metro Manila kaya nananatili sa high-risk classification ang rehiyon.


Kasabay nito, hinikayat ni Vega ang publiko na magpabakuna dahil sa nakadaragdag ito sa proteksyon laban sa COVID-19.

Batay sa pag-aaral ng anim na ospital, ang mga unvaccinated health workers ay mas mataas ang tiyansang maospital dahil sa COVID-19 kaysa sa mga nabakunahan na.

Facebook Comments