Halos 1,000 Pinoys sa abroad, na-infect ng COVID-19

Nakapagtala ngayong araw ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng 946 na mga Pilipino sa abroad na panibagong tinamaan ng COVID-19.

205 ang bagong gumaling habang 35 ang bagong binawian ng buhay.

Sa ngayon, 22,713 na ang kabuuang Overseas Filipino na na-infect ng COVID-19 sa ibayong dagat.


8,538 sa kanila ang patuloy pang nagpapagaling.

12,808 naman ang kabuuang gumaling na habang 1,367 ang kabuuang binawian ng buhay.

Facebook Comments