Manila, Philippines – Welcome sa Palasyo ng Malacañang ang mataas na suporta ng mamamayan sa idineklarang Martial Law sa buong Mindanao.
Ito ang sinabi ng Malacañang sa hrap narin ng survey ng SWS na nagsasabi na 57% ng o halos 6 sa bawat 10 Pilipino ang sumusuporta sa Martial Law.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Ernesto Abella, ipinapakita lamang nito na naniniwala ang publiko na may pinagbasehan ang proklamasyon ng Pangulo sa Batas Militar.
Sinabi din ni Abella na ipinapakita din ng survey na ayaw ng marami sa ating mga kababayan na ideklara din ang Martial Law sa Luzon at sa Visayas pero dedepende naman aniya ito sa magiging sitwasyon at rekomendasyon ng Armed Forces of the Philippines at ng Philippine National Police kay Pangulong Duterte.
Ang Survey ng SWS ay ginawa noong June 23-26 2017 na may 1200 respondents sa buong bansa.
Malaking suporta ng publiko sa martial law sa Mindanao, ikinatuwa ng Palasyo
Facebook Comments