Manila, Philippines – Welcome sa Palasyo ng Malacañang ang resulta ng survey ng Social Weather Station na nagsasabing 61% ng ating mga kababayan ang sumusuporta sa muling pagbuhay sa death penalty sa bansa.
Ayon kay Presidential Spokesman Enesto Abella, patunay lamang ito na marami ang sumusuporta sa pamumuno ni Pangulong Duterte tungo sa kapayapaan at kaayusan pati na sa matibay na paninindigan sa paglaban sa iligal na droga at krimenalidad sa bansa.
Sinabi ni Abella na patunay din ito na ang hakbang ng Kamara na ipasa ang nasabing panukala ay naaayon din sa kagustuhan ng mamamayan.
Pero para naman kay Senador Frank Drilon ay patay na sa senado ang panukalang pagbuhay sa parusang bitay dahil 5 lang aniyang senador ang sumusuporta dito.
DZXL558