
Inanunsiyo ni United States President Donald Trump na isang napakalaking trade deal ang naisara sa pagitan ng Pilipinas at kanilang bansa.
Sinabi ito ni Trump sa state luncheon sa Malacañang kasama si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Ayon sa US president, ito ang pinakamalaking trade deal na kanilang ginawa.
Hindi rin daw niya akalain na mabilis na matatapos ang trade deal na tinawag din niyang patas para sa dalawang bansa.
Kaugnay nito, ipinagmalaki pa ni Trump na mas nagiging matatag din ang alyansa ng Pilipinas at Amerika sa ilalim ng liderato nila ni Pangulong Marcos Jr.
Wala namang binanggit si Trump, ang Palasyo at ang US Embassy kung ano ang laman ng naturang trade deal.
Facebook Comments










