
Hindi nababahala si United States President Donald Trump sa nagpapatuloy na tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China dahil sa isyu ng teritoryo sa West Philippine Sea (WPS).
Ito ang tugon ng pangulo ng Estados Unidos nang tanungin sa pagsisimula ng Bilateral Meeting sa pagitan nila ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Malacañang.
Naniniwala si Trump na natutugunan naman ang naturang problema.
Sa kabila nito, ibinida naman ni Trump na pinalalawak pa nila ang defense cooperation na isa sa pundasyon ng seguridad sa rehiyon.
Binanggit din niya ang paglobo pa ng pondo para sa military financing sa Pilipinas at ang inaprubahang pagbebenta ng armas na nagkakahakaga ng limang bilyong dolyar.
Sa nasabing pulong din nang bnggitin ni Pangulong Marcos Jr., ang matagal na relasyon ng Pilipinas at US gaya ng 75 taon nang Mutual Defense Treaty kung saan obligado ang dalawang bansa na tumulong kapag may armadong pag-atake.










