MALAKING TULONG | 3 Unit ng Beechcraft TC90 Aircraft na bigay ng Japan sa bansa, natanggap na ng Philippine Navy

Manila, Philippines – Natanggap na ng Philippine Navy ang tatlong mga aircraft na bigay ng Japan Maritime Self Defense Force ito ay ang Beechcraft TC90 aircraft.

Isinagawa ang transfer ceremony kanina sa Headquarters ng Naval Air Group, Naval Base Heracleo Alano Sangley Point Cavite City.

Dinaluhan mismo ni Defense Secretary Delfin Lorenzana, Japanese Ambassador to the Philippines, Koji Haneda, at iba pang delegado mula sa Japan Ministry of Defense (JMOD) at Japan Maritime Self Defense Force (JMSDF) ang seremonya.


Sinabi ni Lorenzana sa kanyang talumpati sa ginanap na transfer ceremony, na malaki ang maitutulong ng mga aircraft na ito para mas mapaangat pa ang Philippine Navy’s Capability sa pagbibigay ng humanitarian assistance at pagsasagawa ng Disaster Relief Operations at maging sa pagpapatrolya.

Pero inamin ng kalihim na kulang pa rin ang military capability equipment ng bansa lalot nanatili ang territorial disputes sa pagitan ng bansa at China at iba pang Southeast asian nations patungkol sa West Philippine Sea.

Ang tatlong aircraft ay bahagi ng limang TC90 aircraft na bigay ng Japan sa Pilipinas.

Ang dalawang unit ay naipadala sa Pilipinas nang nakalipas na taon Siquijor, sa oras na humupa na ang malalaking alon sa karagatan.

Pinapayuhan ang mga apektadong byahero na makipagugnayan sakanilang ferry lines para sa iba pang detalye at updates.

Facebook Comments