MALAKING TULONG | IRR sa EO 63 ni PRRD, nilagdaan na

Manila, Philippines – Naniniwala ang apat na ahensiya ng gobyerno na malaking tulong upang maiangat ang kalidad ng mga seafarers sa bansa matapos na pormal nang lagdaan ng MARINA, CHED, DOH at PCG ang Implementing Rules and Regulation (IRR) sa Executive Order 63 ni Pangulong Rodrigo Duterte na palalakasin ang Maritime Industry bilang isang Single Maritime Administration.

Kailangan kasi na sumunod ang Pilipinas ay sumunod sa Standard Training Certification and Watch Keeping of Seafarers ang governing Body ng mga seafarers sa buong mundo na dapat tumalima ang lahat sa naturang standards.

Matatandaan na ang Pilipinas ay top suppliers sa mga seafarer in ratings sa buong mundo kaya at marapat lamang na itaas ang kalidad ng mga Marino sa Pilipinas.


Ayon kay CHED Commissioner Prospero Devera inilatag na nila ang Maritime Education, Training and Assessment para sa mga seafarers upang matiyak na ang mga estudyante ay makatutugon sa mga requirements alinsunod sa kanilang kasunduan.

Facebook Comments