MALAKING TULONG | Martial law sa Mindanao, kailangan pa rin habang hindi pa ganap na natatapos ang rehabilitasyon sa Marawi City

Marawi – Inihayag ng taskforce bangon Marawi at ang Joint task force Ranao na malaki parin ang maitutulong ng pagpapatupad ng Martial law sa Mindanao sa pagsasagawa ng rehbilitasyon ng Marawi City.

Sa Briefing sa Malacañang ay sinabi ni Col.Romeo Browner jr, Deputy Commander ng Joint Taskforce Ranao na sobrang epektibo bg Martial law habang isinasagawa ang rehabilitastin ng Lungsod dahil napipigilan nito ang anomang insidente ng karahasan.

Inihalimbawa pa nito ang epekto ng Martial law sa nagdaang barangay at SK elections kung saan ay walang naitalang pagpatay ang COMELEC.


Marami parin aniyang kailangang gawin sa isinasagawang rehabilitasyin sa Marawi at malaki ang maitutulong ng Martial law sa seguridad hindi lang ng ng mga residente kundi pati narin ng mga nagtatrabaho para sa rehabilitasyon.

Isa din aniya itong paraan para mapabilis ang rehabilitasyon dahil walang anomang hindi inaasahan o masamng insidente ang nangyayari sa lungsod.

Pero sa kabila nito ay hindi parin naman masabi ni Brawner kung irerekomenda ba ng Armed Forces of the Philippines kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapalawig ng Martial law sa Mindanao.

Facebook Comments