TUTULDUKAN | 2-game losing skid ng Pilipinas kontra Oman, target wakasan ng Azkals

58

Doha, Qatar – Target putulin ng Philippine Azkals ang two-game losing run nito kontra Oman sa kanilang international friendly na gaganapin bukas sa Doha, Qatar.

Pangungunahan ni Cardiff City ng English Premier League goalkeeper Neil Etheridge ang laban kasama ang mga nagbabalik koponan na sina Javier Patiño at Stephan Palla ng Buriram United; Iain Ramsay ng Felda United; Michael Falksegaard ng Bangkok United at Kevin Ingreso.

Kasama rin sa lineup sina Phil at James Younghusband, Daisuke Sato, Dennis Villanueva, Martin Steuble, Luke Woodland, Mike at Manny Ott; Patrick Reichelt, Amani Aguinaldo, Paul Mulders, Jovin Bedic at Adam Tull.

Ito ang unang paghaharap ng dalawang koponan sa nakaraang labing-pitong taon.

Huling naglaban ang dalawang koponan noong 2001 sa 2002 FIFA World Cup Qualifiers kung saan natalo ang Pilipinas, 7-0 at 2-0 sa mga Omani.

Facebook Comments