Manila, Philippines – Naniniwala si Solicitor General Jose Calida na malaking tulong sa panunumbalik ng kaayusan sa Mindanao ang pagpapatibay ng Korte Suprema sa constitutionality ng Martial Law Extension.
Sa isang pahayag, iginiit ni Calida na hanggang ngayon ay nagpapatuloy pa rin ang rebelyon sa Mindanao at ito ay nananatiling banta sa soberanya ng rehiyon.
Ang pagbasura rin aniya ng Korte Suprema sa apat na petisyon kontra Martial Law Extension ay malinaw na nakikiisa ang mga mahistrado sa pagprotekta sa bansa ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Kasabay nito, nanawagan ng panalangin si Calida para sa kapayapaan sa Mindanao.
Facebook Comments