MALAKING TULONG | TRABAHO Bill suportado ng ilang mga negosyante

Manila, Philippines – Naniniwala ang ilang mga negosyante na malaki ang maitutulong sa mga Pilipino ang TRABAHO Bill kung mapupunta lamang sa tamang paggamit ang naturang panukalang batas.

Sa ginanap na forum sa Kapihan sa Manila Bay sinabi ni Rey Untal President and CEO Information Technology and Business Process Association of the Philippines na suportado nila ang TRABAHO Bill pero mayroon lamang ilang probisyon na nakasaad doon na kanilang tinututulan na lubhang nakaaapekto sa kanilang negosyo.

Dagdag pa ni Untal na nakakalikha sila ng trabaho sa mga lalawigan na umaabot sa 100 libong mga call center agent bawat taon na malaking tulong para maiahon ang ating mga kababayan sa kahirapan.


Ganito rin ang pananaw ni American Chamber Commerce of the Philippines President John Porbes na malaki ang maitutulong sa ekonomiya ng bansa kung magagamit ng tama at mapupunta ang lahat ng mga buwis na nakukuha sa mamamayang Piipino sa kaban ng gobyerno.

Facebook Comments