MALAKING TULONG │Martial Law, kailangan para sa rehabilitasyon ng Marawi City

Marawi City – Naniniwala si Task Force Bangon Marawi Chairman Secretary Eduardo Del Rosario na malaki ang maitutulong ang pananatili ng Martial Law sa Mindanao para maging matagumpay at maging mabilis ang rehabilitasyon ng Marawi City.

Sa bangon Marawi briefing dito sa Malacañang ay sinabi ni Secretary Del Rosario na kung hindi magkakaroon ng extension ng Martial Law sa Mindanao ay mahihirapan ang rehabilitasyon ng Marawi City dahil mahihirapang kumuha ng mga tao o contractors para sa rehabilitasyon kung hindi na umiiral ang Martial law.

Paliwanag ni Del Rosario, nagsasagawa kasi ng recruitment ang ISIS sa Mindanao kaya upang matiyak ang seguridad ng bawat sulok ng rehiyon at mabantayan ang rehabilitasyon ng Marawi City ay kailangang mapalawig pa ang Martial Law.


Sinabi naman ni bangon Marawi Spokesman Zia Alonto Adiong na isang pangangailangan para sa kanila ang Martial Law sa Mindanao.

Facebook Comments