Inaasahan na ng Commission on Elections (COMELEC) na maraming voter applicants ang magpaparehistro para sa nalalapit na 2022 Elections.
Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez, marami ang magpaparehistro sa mga susunod na araw.
Naging maayos din ang pagpapatupad ng unang araw ng voters’ registration kung saan nasunod ang health protocols.
Napansin lamang ni Jimenez na nagkaroon lamang ng pagbagal sa pagpoproseso ng registration dahil marami sa mga nagpaparehistro ay hindi nag-download ng kanilang form.
Nabatid na sinimulan na ang voters’ registration sa buong bansa maliban sa mga lugar na nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) o Modified ECQ.
Facebook Comments