MALALA NA | Pagbalik ni Pangulong Duterte kay Chief Inspector Jovie Espenido sa Ozamis City, dahil sa iligal na droga

Ozamis City – Lumala ang problema sa droga sa Ozamis City.

Ito ang dahilan ng Malacañang kung bakit ipinalipat ni Pangulong Rodrigo Duterte si Espenido pabalik ng Ozamis City

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, alam naman ng lahat ang ganda ng Performance ni Espenido na ito ang umupo bilang Chief of Police sa Ozamis.


Ang assignment aniya ni Espenido ay habulin at panagutin sa batas ang mga may knapaman sa operasyon ng iligal na droga upang malinis na ang lungsod mula dito.

Binigyang diin din naman ni Panelo na ngayong ibabalik na si Espenido sa Ozamis City na kilalang balwarte ng mga Parojinog ay wala namang shoot to kill order ang mga ito lalo pat hindi naman ito pinahihintulutan ng batas.

Pero kung nanlaban naman aniya ay iba nang usapin dahil kailangan namang protektahan ng mga otoridad ang kanilang buhay na tinatawag na justified circumstance.

Facebook Comments