Rumaragasang ilog ang bumungad sa mga residente ng Barangay Balatubat sa Camiguin de Babuyanes Island na sakop ng Calayan, Cagayan.
Dahil dito ay inilikas ang mga residente sa mas ligtas na lugar sa pamamagitan ng lubid habang inaalalayan ang mga ito ng mga kawani ng Philippine Coast Guard (PCG).
Binaha naman ang mga mabababang lugar sa Gonzaga, Cagayan na nagmistulang napalibutan ng ilog ang mga kabahayan.
Pinasok naman ng tubig-baha ang ilang bahay sa Allacapan, Cagayan habang hindi rin nakaligtas ang mga sakahan sa apat na barangay sa Sta. Teresita, Cagayan.
Ayon sa Cagayan Provincial Information Office, hindi na madaanan ng mga light vehicle ang Pacac Bridge at Bulo-Gagaddangan Road sa bayan ng Allacapan dahil sab aha.
Samantala, inilikas na ang siyam na pamilya o katumbas ng 47 individuals mula sa Barangay Luec sa bayan ng Camalaniguan, Cagayan sa evacuation center at nabigyan na ng food packs mula sa LGU.