King Charles III, kokoronahan sa May 2023

Inanunsyo ng Buckingham Palace na kokoronahan si King Charles III sa May 6 sa susunod na taon.

Ang 73-taong gulang na monarch ay pormal na kokoronahan sa Westminster Abbey sa London kasunod ng higit 900 taong tradisyon ng Britanya.

Kinumpirma rin ng Buckingham na kasabay rin nito ang pagkorona sa asawa nitong si Camilla bilang Queen Consort.


Mababatid na agad naging hari si Charles matapos ang pagpanaw ni Queen Elizabeth II noong September 8 sa edad na 96 matapos ang 70 taong pamamalakad.

Facebook Comments