Malalaking kumpanya ng iba’t ibang produkto, siner monan ni Senator Villar sa pagdinig ng Senado

Manila, Philippines – Umani ng sermon mula kay Senator Cynthia Villar ang
malalaking kompanya na gumagamit ng plastic containers para kanilang mga
produkto tulad ng kape, shampoo, juice, candies, biscuits, junk food,
gatas, at sabon.

Ito ay sa isinagawang pagdinig ng pinamumunuan ni Senator Villar na
Committee on Environment and Natural Resources kaugnay sa hakbang ng
pamahalaan at pribadong sektor para mahadlangan na mapunta sa karagatan ang
mga plastic na nagiging sanhi ng polusyon at bara sa mga daluyan ng tubig
at ilog.

Sa pagding ay nadismaya si Senator Villar, na wala palang mekanismo ang mga
kompanya na maitapon ng maayos at ma-recycle ang basura mula sa kanila
produkto.


Giit ni Villar, kasama sa Corporate Social Responsibility ng mga kompanya
ang pagtulong para hindi mapunta sa karagatan ang mga basura na gawa sa
plastic dahil nakakaapekto na ito sa marine life na pinagkukunan din natin
ng pagkain.

Pati ang mga ahensya ng pamahalaan tulad ng Department of Environment and
Natural Resources at Philippine Ports Authority o PPA ay kinastigo din ng
senadora dahil bagamat kumikita ang mga ito ay wala namang ginagawa para
maisalba sa polusyon at mga basura ang bahagi ng karagatan tulad ng Manila
bay.

Nakakalungkot ayon kay Villar na kahit umiiral ang Ecological Solid Waste
Management Act since 2001, ay isa ang Pilipinas sa mga bansa na may
pinakamaraming plastic wastes na napapadpad sa karagatan.

Banta ni Senator Villar, papaamyemdahan ang naturang batas para maipakulong
ang executives ng mga multinational companies at makastigo mga nasa
pamahalaan.

 

Facebook Comments