Malalaswang group pages sa Facebook, binabantayan na ng NBI

Manila, Philippines – Mino-monitor na ng national Bureau of Investigation (NBI) ang mga usap-usapang group page sa Facebook kung saan nagpapalitan ang mga miyembro nito ng mga malalaswang larawan at video.

Ayon kay NBI Cybercrime Division Chief Martini Cruz – binabantayan na nila ang mga litratong ina-upload sa ‘hokage bible study’ at ‘pastor hokage’.

Sinabi naman ni NBI Psychologist Aljohn Capangpangan, karamihan sa mga miyembro ng mga ganitong grupo ay mga lalaki kung saan hinihikayat ang mga ito na magpadala ng mga larawan.


Naniniwala si Capangpangan na posibleng may personality disorder ang mga sumasali sa group.

Aniya, may ilan sa mga miyembro nito ang nagsabing normal lamang sa mga lalaki na pag-usapan tungkol sa mga kababaihan.

Dahil dito, nanawagan ang NBI sa mga biktima ng mga nasabing group page na pormal na maghain ng reklamo sa kanilang tanggapan.

Facebook Comments