MALALIMANG IMBESTIGASYON | DOH, binigyan ng hanggang Lunes ang Regional Director ng Region 4-A para isumite ang resulta ng imbestigasyon sa nangyaring pagtanggi ng Antipolo Metro Hospital Medical Center sa pasyenteng nasagasaan

Manila, Philippines – Inatasan na ni Health Secretary Francisco Duque III ang kanyang regional director para magsagawa ng malalimang imbestigasyon upang malaman kung ano ang Protocol ng Antipolo Metro Hospital Medical Center para isnabin ang isang Supervisor ng Miescor na nasagasaan sa tapat mismo ng naturang pagamutan.

Ayon kay Duque, pinapunta na nito ang kanyang Regional Director bukas sa Region 4A dahil nasasakupan ng naturang Rehiyon ang naturang pagamutan para alamin ang Fact Finding ng kanilang isasagawang imbestigasyon sa naturang aksidente na ikinasawi ni Elmer Hernandez.

Paliwanag ni Duque, hanggang Lunes lamang ang ibinigay ng kalihim sa kanyang mga tauhan para isumite sa kanyang tanggapan ang resulta ng isasagawang imbestigasyon.


Giit ng kalihim, hindi katanggap-tanggap at walang legal na basehan ang paliwanag ng naturang hospital na kanilang Protocol dahil mandato ng mga hospital na magbigay ng paunang lunas o first aid sa mga pasyenteng nasa kritikal na kalagayan.

Facebook Comments