Malalimang imbestigasyon sa iligal na pagbasok sa bansa ng isang Chinese dredging vessel, ikinasa ng PCG

Ikinasa ng Philippine Coast Guard ang isang malalimang imbestigasyon kaugnay sa naharang na Chinese dredging vessel na iligal na pumasok sa bansa.

Ayon kay PCG Spokesman Commodore Armand Balilo, namataan ang nasabing dredging vessel sa karagatang sakop ng Orion, Bataan noong Miyerkules, Jan. 27, 2021.

Sakay aniya nito ang dalawang crew members na parehong Cambodian national.


Sinabi ni Balilo na nakapatay ang Automatic Identification System (AIS) ng Chinese dredging vessel na isang violation sa maritime protocols ng mga foreign vessels.

Bagamat mayroon aniyang departure clearance galing ng Aparri PCG, iimbestigahan pa rin ito dahil sa hindi otorisadong pagpunta nito sa nasabing lugar.

Facebook Comments