MALAMBOT NA LUPA? | Ginagawang proyekto ng DPWH sa Baguio City, gumuho

Baguio City – Gumuho ang ginagawang proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Barangay Pinsao Proper, Baguio City.

Nagsimula ang konstruksyon ng slope protection project noong Pebrero at target na matapos sa huling linggo ng Mayo.

Ayon sa project engineer ng DPWH na si Engr. John Buliyat, nasa P3.4 milyon ang pondong inilaan mula sa 2018 regular infrastructure program ng DPWH.


Giit ng project engineer na kalidad naman ang materyales na ginamit ng contractor.

Tingin naman ng Office of Civil Defense Cordillera, posibleng lumambot ang lupa kaya at tuluyan itong gumuho.

Tinatayang nasa P500,000 ang nasira sa slope protection project ng DPWH at nasa P500,000 din ang nasirang dalawang transformer at poste ng Benguet electric cooperative.

Facebook Comments