Malaki ang epektong nagagawa ng malamig na panahon sa paglaki ng mga isda lalo na ang bangus na binebenta sa mga palengke sa lungsod ng Dagupan.
Ani OIC City Agriculturist Patrick Dizon, ang malamig na temperatura ay nakakaapekto sa pagkawalang gana ng isda sa pagkain kaya mabagal ang paglaki ng mga ito.
Stable pa rin naman ang presyo ng mga isda sa palengke at maayos pa rin ang supply ng mga ito dahil nakapaghanda naman daw ang mga growers ng kanilang calendars sa pangangalaga ng isda.
Dagdag pa ni Dizon, hindi naman kinakailangan ang pwersahang pagharvest ng mga isda dahil mangyayari lamang iyon kung hindi maganda ang water quality sa ilog.
Bagamat may kabagalan ang paglaki ng mga isda sa panahon ngayon ay mayroon namang mga growers na naghihintay na umabot sa malalaking sizes ang kanilang mga bangus.
Mahabang proseso ng pag-aalaga ang kakailanganin para dito ngunit nangangahulugan din ito na mas mataas ang presyo ng bentahan sa merkado. |ifmnews
Facebook Comments