MGA BARANGAY OFFICIALS AT CVOS NG DISTRICT I NG PANGASINAN, BINIGYANG PARANGAL

Binigyang parangal ang mga barangay officials, civic volunteer organizations (CVOs), pati na rin ang mga Sangguniang Kabataan (SK) chairpersons na mula sa Distrito Uno ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan.
Kinilala ng Provincial Government ng lalawigan ang mga barangay officials sa pagiging katuwang ng mga ito sa pagpapatupad ng iba’t-ibang proyekto at programa sa mga bayan ng Distrito.
Dinaluhan ni Sen. Alan Peter Cayetano ang nasabing aktibidad at binigyang-diin ang kahalagahan ng mga barangay officials ng mga bayan at lungsod sa lalawigan.

Kasabay naman ng pagpaparangal ay ang pamamahagi ng financial assistance para sa kanilang serbisyo at sakripisyo para sa masa.
Samantala, nabanggit naman ng Senador ang kanyang planong magpatayo ng mga health centers sa mga bayan at lalawigan ng Pangasinan na naglalayong patibayin pa ang kapakanang pangkalusugan ng mga Pangasinense. |ifmnews
Facebook Comments