Malamig na umaga, dulot ng pag-iral ng hanging amihan

Malamig na umaga ang sasalubong pa rin ngayong araw.

Dulot pa rin ito ng hanging amihan na umiiral sa buong Luzon at malaking bahagi ng Kabisayaan.

Ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Chris Perez – maaliwalas ang panahon ang asahan sa buong bansa.


Sa Mindanao, maganda ang panahon subalit mainit at maalinsangan ang panahon.

Ligtas na makakapaglayag ang mga may maliliit na sasakyang pandagat sa alinmang baybayin ng bansa.

Facebook Comments