MALAMPAYA FUND | Anomalya sa paggamit ng pondo, iimbestigahan ng Senado

Manila, Philippines – Inihain ngayon ni Committee on Energy Chairman Senator Win Gatchaian ang senate resolution no. 579 na nagsusulong ng imbestigasyon sa umano’y maanumalyang paggamit ng bilyong pisong halaga ng Malampaya fund sa ilalim ng mga nagdaang administrasyon.

Ayon kay Gatchalian, basehan ng gagawing imbestigasyon ang special report ng Commission On Audit o COA na may mga nailabas na special allotment release orders at notices of cash allocations kahit walang sapat na dokumento.

Base sa COA, nailabas ang Malampaya fund sa pagitan ng taong 2004 hanggang 2012 kahit kulang ang dokumento tulad ng project proposal, requests for funds mula sa implementing agencies, proof of evaluation ng Department of Budget and Management at approval ng Pangulo.


Diin Gatchalian, target ng imbestigasyon na matukoy at maparusahan ang mga opsiyal ng gobyerno na nagsamantala sa Malamapaya fund na nakalaan para sa pagpapabuti sa energy resources ng bansa.

Facebook Comments