MALARIA AWARENESS SYMPOSIUM, TINALAKAY; MGA PROGRAMANG KONTRA MALARIA, ISINAGAWA SA BAYAN NG SISON

Tinalakay sa naganap na Malaria Awareness Symposium ang tungkol sa naturang sakit at kung paano ito tuluyang sugpuin na isinagawa naman sa Sitio Pinalpal, Brgy Inmalog sa bayan ng Sison.
Layunin ng aktibidad na bigyan ng mas malalim na kaalaman ang mga residente sa lugar pagdating sa sakit na Malaria.
Kasabay naman ng symposium ay ang pamamahagi ng Long Lasting Insecticide Treated Nets (LLIN) bilang bahagi ng taunang programa laban sa sakit.

Nagsagawa rin ang bayan ng Carabao Bait Trap bilang bahagi ng produktibong hakbang ng lokal na pamahalaan ng Sison kontra Malaria.
Layunin ng mga isinagawang programa na maiwasan at tuluyang masugpo ang sakit na Malaria at mapanatili ang kalusugan ng mga residente sa nasabing bayan. | ifmnews
Facebook Comments