Kagawad, Arestado sa Umano’y Pangungurakot

Hinuli ng mga otoridad ang isang Barangay Kagawad mula sa Alicia, Isabela, dahil umano sa kasong may kinalaman sa korapsyon.

Kinilala ang akusado na si alyas “Rey” di tunay na pangalan, 58-taong gulang, may asawa, at kagawad ng Barangay San Juan, Alicia, Isabela.

Inaresto ang suspek bandang 7:55 ng umaga nitong araw ng Miyerkules sa bisa ng Warrant Of Arrest para sa kasong paglabag sa RA 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices.

Samantala, nagkakahalaga naman ng nasa P90,000 ang inirekomendang pyansa para sa pansamantalang paglaya ng nasabing suspek.

Facebook Comments