Malas sa Sabong? 7 Tiklo sa Ni-Raid na Tupada/Illegal na Pasabong sa 2 Bayan ng CamSur

29

Nagsipagtakbuhan ang mga nagulat na mananabong sa dalawang illegal na patupada sa dalawang bayan ng Goa at Caramoan sa Camarines Sur, nang magsagawa ng raid ang mga kawani ng Philippine National Police.
Ang mga minalas ay nahuli ng kapulisan.
Partikular na inatake ng mga kapulisan ang Barangay San Isidro West sa Goa at Barangay Bical sa Caramoan ditto sa Camarines Sur.
Sa bayan ng Goa, tiklo sina Jojo Duruin, Roy Moreno, Eric Dator, at Jar-ar Guevarra samantalang sa Caramoan, huli naman sina Noel Valle, Matthias Dianela at Gerald Albon at iba pa.
Nakuha bilang ibidensiya ang mga panlabang manok at perang ginamit sa pustahan.
Inihanda na ang mga angkop na kasong isasampa laban sa mga nahuling illegal gamblers.
Ang tupada ay tumutukoy sa pagsabong ng dalawang panlaban na manok sa lugar na napagkasunduan lamang ng mga manlalaro o magsusugal ngunit wala angkop na permiso mula sa mga kinauukulan.

Facebook Comments