Mga evacuees sa Batangas, nasa mga evacuation centers pa rin  kahit pinayagan nang makauwi

30

Marami pa rin sa mga Bakwit sa Batangas na apektado ng pagputok ng Bulkang Taal ang mas gustong manatili muna sa mga Evacuation Centers.

Sa kabila nito pinayagan na silang makauwi sa kani kanilang mga bahay matapos alisin ang lockdown sa kanilang lugar.


Ayon kay Police Colonel Edwin Quilates Provincial Director ng Batangas Police Provincial Office, marami sa mga Evacuee binisita lamang ang kani kanilang mga bahay kahapon.

Nalaman kasi ng mga ito na hindi pa maaring tirhan sa ngayon ang kanilang mga bahay lalo na ng mga bata at may edad na dahil sa tindi ng alikabok, walang kuryente at tubig.

Wala rin aniyang makain ang mga ito kaya marami ang bumalik sa mga evacuation centers.

Dahil dito  patuloy ang ginagawang pagbabantay ng mga tauhan ng (Philippine National Police) PNP sa mga bumalik na sa kanilang nga lugar at ganoon din sa mga mananatili sa mga evcuation centers.

Facebook Comments