‘Malasakit Center’, Bubuksan sa Tuguegarao City, Cagayan

*Cauayan City, Isabela*- Papasinayaan sa darating na Lunes ang Malasakit Center sa Cagayan Valley Medical Center sa Lungsod ng Tuguegarao na pangungunahan ni Sen. Bong Go.

Ayon kay Dr. Glen Matthew Baggao, Medical Center Chief ng CVMC, magmumula sa Davao City ang senador kasama si Malasakit Center National Head Sec. Michael Lloyd Diño sa isasagawang aktibidad.

Maliban dito, magbibigay din ng relief goods ang Senador sa mga biktima ng malawakang pagbaha sa Probinsya ng Cagayan.


Ang Malasakit Center ay ang tanggapan na magisisilbing one-stop shop para sa mga mamamayang nangangailangan ng tulong-medikal at pinansyal.

 

Kabilang sa mga tanggapang na matatagpuan sa Malasakit Center Office ay ang PhilHealth, PCSO, PAGCOR, DOH at DSWD.

 

Nagpasalamat naman si Dr. Baggao dahil sa programa ng Malasakit Center ay hindi na umano mahihirapan pa ang publiko sa kanilang pagpapagamot.

Facebook Comments