Malasakit Center sa Lung Center of the Philippines, opisyal nang binuksan ngayong araw

Manila, Philippines – Opisyal nang binuksan ng pamahalaan ang isa pang Malasakit Center sa Lung Center of the Philippines sa Quezon City.

Sa kabuuan, pang 19 na ang Malasakit Center na binuksan sa ibat ibang pagamutan sa buong bansa sa ilalim ng Duterte Administration.

Ang Malasakit Center ay isang one-stop shop program ni Pangulong Rodrigo Duterte upang mapabilis ang delivery ng medical services at mabigyan ang mga mahihirap na pasyente na maka-access sa libreng medisina.


Sa ilalim ng programa, lahat ng pasyente ay maka avail ng serbisyo at financial assistance na ipagkakaloob ng Philippine Charity Sweepstakes Office, Philippine Amusement and Gaming Corp. , Department of Social Welfare and Development at Philhealth.

Ilan lamang sa kabuuang 19 na malasakit center ay matatagpuan sa mga sumusunod na hospital.

Vicente Sotto Memorial Center sa Cebu city, Western Visayas Medical Center sa Iloilo City, Eastern Visayas Regional Medical Center sa Tacloban City, Davao City at Phil General Hospital City sa Maynila.

Kasama ni DOH Secretary Francisco Duque III si dating Sap Bong Go at iba pang opisyal ng Gobyerno na magbukas sa nabanggit na Malasakit Center.

Facebook Comments