MALASAKIT, KAAYUSAN, KAPAYAPAAN TUNGO SA KAUNLARAN PROGRAM NG PNP NAGHATID NG PAG-ASA SA ATING MGA IDOL MULA SA BAYAN NG STA BARBARA.

“Never stop doing little things for others, sometimes those little things occupy the biggest part of their hearts”- mensahe ng PNP Santa Barbara.
Mula sa nakalatag na programa ng kapulisan na M+K+K=K o Malasakit, Kaayusan, Kapayapaan tungo sa Kaunlaran sila’y naghatid ng pag-asa sa ating mga idol mula sa Bayan ng Sta Barbara.
Upang matulungan ang isang kababayan na makapagsimula, isang pangkabuhayan o livelihood program ang ipinagkaloob. Tinanggap nila idol Christian Borja Belen ng Brgy. Gueguesangen Sta Barbara kasama ang pamilya nito ang kambing at grocery mula sa pangunguna ni Deputy Chief of Police PCPT ARCADIO B PIDLAOAN JR at kasamahan.

Sa ganitong paraan naipapakita nila na handa rin umano silang tumulong sa ating mga kababayang kapos sa buhay kahit sa maliit na pamamaraan. |ifmnews
Facebook Comments