INAGURASYON NG IKALAWANG GUSALI NG NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION SA PANGASINAN, PORMAL NANG PINASINAYAAN

Pormal nang binuksan at pinasinayaan ang bagong gusali ng National Bureau of Investigation (NBI) District Office sa Bypass Road, Brgy. Palamis, Lungsod ng Alaminos.
Ito na ang ikalawang gusali ng naturang ahensya kung saan matagumpay na ginanap ang makasaysayang pagdiriwang at opisyal na unveiling ng NBI marker kung saan pinangunahan ito ng mga kawani ng NBI, kongresista ng unang distrito, mga opisyal ng pamahalaang panlalawigan ng Pangasinan at mga kawani ng LGU Alaminos City.
Ayon sa mga opisyal layon nitong mailapit sa mga residenteng mula sa Western Pangasinan ang opisina ng NBI upang mas maging mabilis at maginhawa residente ang pag-aasikaso ng kanilang mga transaksyon sa ahensiya gaya na lamang ng pagkuha ng NBI Clearances maging ang sa aspeto ng imbestigasyon at forensics.

Nagpapasalamat ang mga residente dahil hindi na umano sila mapapalayo at pupunta pa ng Dagupan City upang kumuha ng kinakailangan mga dokumento. |ifmnews
Facebook Comments