Ayon kay PHIVOLCS-Cotabato Seismologist Eng. Rainier Amilbajar sa panayam ng DXMY , ang episentro ng lindol ay sa layong 8 kilometro Hilagang-Kanluran ng Kadingilan.
May lalim ang lindol na limang kilometro at tectonic ang dahilan. Ayon kay Eng. Amilbajar, masyadong aktibo ang local faults sa lugar kung saan noong April 2017 nang gumalaw din ito at nitong Sabado lamang ay gumalaw din ito.
Sinabi pa ni Eng. Amilbajar na nakaranas din ng intensity 6 kagabi ang ilang mga lugar, kinabibilangan ito ng Kadingilan, Kalilangan, Don Carlos, Maramag, Kitaotao at San Fernando, Bukidnon.
Intensity V sa Damulog, Talakag at Valencia City, Bukidnon; Midsayap, Cotabato; Kidapawan City; Marawi City.
Nagdulot ng kapinsalaan sa ilang istruktura ang naranasang Intensity VI kagabi sa Kadingilan, Kalilangan, Don Carlos, Maramag, Kitaotao at San Fernando, Bukidnon.
Paliwanag ni Eng. Amilbajar, nagsisimula ang distruction sa Intensity VI.
May mga kasiraan dahil na rin hindi pagsunod sa tamang alituntunin sa tamang pagatatayo ng istruktura.
Ayon kay Eng. Amilbajar, panahon na upang bigyan ito ng pansin gayong ang mga pagyanig ay nariyan lamang at ano mang oras ay mararanasan at hindi mapipigilan.
Maari anyang magkaroon ng mga ordinansa na magrere-gulate sa lahat ng construstion materials.
Anya pa, kung susundin lamang ang national building code ay maiibsan ang mga kasiraan sa mga istruktura dulot ng lindol dahil matatag ito.