Malawakang bakunahan para sa mga bata, ilulunsad sa Mayo 26-27

Ilulunsad ng Department of Health (DOH) ang dalawang araw ng malawakang pagbabakuna para sa mga bata laban sa iba-ibang sakit.

Idaraos ang “Chikiting Bakunation Days” sa Mayo 26 at 27.

Ayon kay DOH Undersecretary Abdullah Dumama, layon ng programang mabakunahan ang mga batang edad 2 pababa laban sa hepatitis B, polio, measles, mumps at rubella.


Target din ng DOH na mabakunahan ang 80% ng mga batang hindi nabakunahan sa parehong programa noong Pebrero.

Matatandaang nasa higit 10,000 na bata ang nabakunahan sa parehong programa noong Abril, mula sa higit 30 lugar na itinuturing na priority provinces.

Facebook Comments