Kuta ng New People’s Army, Nakubkob matapos ang Engkwentro sa Ifugao

37
Cauayan City, Isabela- Nakubkob ng tropa ng 54th Infantry Battalion (IB) ang hinihinalang kampo ng New People’s Army matapos ang 20 minutong bakbakan noong Lunes, May 23, 2022 sa Barangay Namal, Asipulo, Ifugao.

Inihayag ni Capt. Karol Jay Mendoza Jr., 54th IB civil-military officer, ang hinihinalang komunistang gerilya ay mula sa hanay ng Guerilla Front-Abra-Mt. Province-Ilocos Sur na nagresulta sa isang engkwentro.

Ayon pa sa ulat, umatras ang mga rebelde habang hila-hila ang kanilang mga sugatang kasamahan dahil sa bakbakan.

Kaugnay nito, narekober sa pinagkukutaan ng mga rebelde ang apat na anti-personnel mine na may 40-meter wire, 20 blasting caps, medical kits, anti-government documents, at personal na gamit.

Patuloy naman ang ginagawang hot pursuit operation ng military laban sa makakaliwang grupo.

Facebook Comments