Malawakang bakunahan sa buong bansa, extended hanggang Biyernes

89

Inanunsyo ni Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez Jr, na extended hanggang Biyernes, December 3 ang Bakunahan, Bayanihan sa buong bansa.

Ayon kay Galvez, ito ay kasunod na rin ng kahilingan ng Department of Health (DOH) Regional Offices.

Partikular aniyang humirit ng extension ang DOH Regional Offices sa Mindanao.


Ikinatuwa naman ito ni Galvez dahil indikasyon aniya ito na dumadami na ang mga nakukumbinse na magpabakuna kontra COVID-19.

Facebook Comments