OFW na umuwi ng Pilipinas galing South Africa, naka-quarantine na – BOQ

85

Tiniyak ng Bureau of Quarantine (BOQ) na agad isinailalim sa quarantine ang isang Overseas Filipino Worker (OFW) na dumating sa Pilipinas noong nakaraang linggo galing South Africa kung saan na-detect ang Omicron variant.

Ayon kay BOQ Deputy Director Roberto Salvador Jr., ang nasabing OFW ay lalaki at naka-quarantine sa Bacolod City.

Aniya, wala namang ipinapakitang kahit anong sintomas ng COVID ang nasabing OFW.


Nabatid na dumating sa bansa ang nasabing OFW bago pa man mailagay sa red list ang South Africa.

Facebook Comments