Hindi magpapatupad ng malawakang balasahan sa matataas na opisyal ang bagong PNP chief ng Philippine National Police (PNP).
Ayon kay PNP Chief Police Lt. General Dionardo Carlos, ang gagawin niya lang sa ngayon ay punan ang mga mababakanteng posisyon ng mga magreretirong opisyal ng mga pinaka-kwalipikadong opisyal.
Paliwanag niya, ang lahat ng mga may nakaambang promosyon ay sasalain muna.
Dadaan aniya muna ang mga ito sa Executive Committee na kayang pamumunuan kasama ang 2 niyang senior officers na sina Deputy Chief for Administration Police Lt. Gen. Joselito Vera Cruz at Deputy Chief for Operations Epharaim Dickson.
Sinabi ni PNP chief, pagalingan ang kanyang magiging batayan sa paglilipat ng pwesto at kasama sa titignan dito ang seniority at track record ng isang pulis.