Manila, Philippines – Hindi hahadlangan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga posibleng gawing hakbang ni Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA Chief Isidro Lapena sa oras na maupo ito pinuno ng Bureau of Customs.
Matatandaan kasi na sinbi ni Pangulong Duterte na papalitan na niya si Customs Commissioner Nicanor Faeldon sa BOC at ipapalit niya si Lapena na ayon sa Pangulo na isang maaasahang military man.
Ayon kay Pangulong Duterte, kung magkakaroon ng massive reorganization o malawakang balasahan sa BOC ay hindi niya ito pipigilan dahil ito ang desisyon ng kanyang appointee.
Paliwanag ng Pangulo, bahala na si Lapena kung ano ang gusto at kailangan nitong gawin sa BOC upang matiyak na mauubos na ang katiwalian sa naturang ahensiya.
Una nang sinabi ni Pangulong Duterte na kailangan pa niya si Faeldon sa gobyerno at naniniwalang napalusutan lamang ito ng mga tiwali sa BOC kaya nakapuslit ang 6.4 billion pesos na halaga ng Shabu.
Malawakang balasahan sa BOC, suportado ni Pangulong Duterte
Facebook Comments