Malawakang Brownout, Magaganap sa Malaking Bahagi ng Lungsod ng Cauayan!

Cauayan City, Isabela- Kinumpirma ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP na magkakaroon ng malawakang Brownout bukas, ika-tatlumpu’t isa ng Mayo sa buong lungsod ng Cauayan maliban sa Brgy. Tagaran at Alinam, sakop rin ng Brownout ang bayan ng Luna at ilang bahagi ng bayan ng Cabatuan.

Ito ang ibinahaging impormasyon ni Bb. Lilibeth Gaydowen, ang Information Officer ng National Grid Corporation of the Philippines sa RMN Cauayan sa programang Straight to the Point kaninang umaga.

Aniya, magaganap ang pagkawala ng daloy ng kuryente bukas mula alas siyete ng umaga hanggang alas sais ng gabi dahil sa pagsasa-ayos sa ilang kawad ng kuryente at pagpapalit ng dalawampung poste mula rito sa linya ng lungsod ng Cauayan hanggang sa linya ng lungsod ng Santiago.


Ayon pa kay Bb. Gaydowen, papalitan na ng bakal ang mga posteng kahoy upang hindi na umano ma-alarma ang publiko kung sakaling mayroon mang darating na sakuna.

Pina-alalahanan rin ni Bb. Gaydowen ang mamamayan na huwag umanong magsunog ng kahit anong bagay sa ilalim ng poste upang hindi umano ito makaperhuwisyo.

Facebook Comments